Dagupan City – Dead on arrival sa pagamutan ang isang 69-anyos na lalaki matapos maaksidente sa bayan ng Mangaldan.
Ayon kay PLTCOL Tuayon, Naganap ang insidente pasado alas tres ng madaling araw sa Barangay Bari sa nasabing bayan. Agad na rumesponde ang mga tauhan ng pulisya upang imbestigahan ang pangyayari at alamin ang sanhi ng aksidente.
Batay sa paunang imbestigasyon ng pulisya, nagmamaniobra ang isang truck nang bigla umanong sumulpt ang mabilis na motorsiklong minamaneho ng biktima Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang lalaki at nagtamo ng malalang sugat sa ulo maging sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.
Negatibo naman umano sa impluwensiya ng alak ang rider ng mabgyari ang insidente.
Isinugod pa sa pagamutan ang biktima ngunit idineklara itong dead on arrival ng mga awtoridad.
Hindi na nagsampa ng kaso ang pamilya ng biktima at nagkasundo sa pagsasaayos ng burol nito.
Patuloy ang paalala ng kapulisan sa mga motorista na ugaliing mag ingat lalo na kung madilim ang kalsada para maiwasan ang insidente.










