Dagupan City – Mga kabombo! Ano ang unang papasok sa isip niyo kung ang lolo mo ay nag-suot ng kolorete?

Ops! Wait, there’s more! Dahil hindi lang basta kolorete o makeup-up kundi, nagtransform ang isang 66-anyos na lolo sa China bilang isang “shawty?”

Ayon sa ulat, isang amateur make-up artist ang nag-upload sa social media na may username na sakuralusi ang nag-upload ng larawan ng kaniyang lolo.

--Ads--

Aniya, noong una ay ang sarili lang nito ang kanyang nilalagyan ng make-up, at naita-transform niya ang sarili sa iba’t ibang anime character.

Ngunit sa kaniyang latest upload, ay hindi na siya ang subject, kundi – ang kaniya ng lolo.

Tinawag naman itong unbelievable ang transformation ng kaniyang followers.