DAGUPAN CITY- Nasawi ang 52 taong gulang na lalaki sa naganap na stabbing incident sa bayan ng Bugallon.
Batay sa isinagawang imbestigasyon ng mga otoridad at sa pakikipagpanayam kay Plt. John Zacarias ang siyang Operations Officer, Bugallon Police Station na naganap ang insidente sa brgy. Bolaoen sa naturang bayan kung saan nakakalap sila ng impormasyon mula sa isang witness.
Ang biktima ay nagtungo sa Bahay ng suspek para mag-usap ngunit nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan at nauwi sa mainit na pagtatalo at maya maya ay biglang lumabas ang suspek at doon sya pinagsasaksak ang biktima.
Kinilala biktima bilang si Noel Yape Odang, 52 taong gulang, at residente ng Antipolo, Rizal, habang ang suspek ay kinilala bilang si Vir Lacaya Viernes, 41 taong gulang, at residente ng Brgy. Pacalat, Mangatarem, dito sa lalawigan ng Pangasinan.
Sinubukan pang dalhin sa pinakamalapit na pagamutan ang biktima ngunit idineklara na rin ito dead on arrival.
Narekober naman ng ginamit na patalim ng suspek at ngayon ay nahaharap ito sa kasong homicide.