Mga Kabombo! Isa ka ba sa mahilig mantrip kapag nagla-live sa social media?
O kaya’y isa ka rin bang content creator na kayang gumawa ng “extreme content” para sa views?
Usap-usapan kasi ngayon sa social media at entertainment ang ginawa ng isang social media streamer.
Paano ba naman kasi, inilagay ba naman nito ang panty sa kaniyang ulo?
Ayon sa ulat, kinilala ang isang Japanese streamer na si “Zokkunzokkun”, 51-anyos na content creator.
Naaresto umano ito matapos siyang mamataan na naglalakad at tumatakbo sa isang residential area sa lungsod ng Ichikawa — suot ang isang white gym uniform, pulang bloomers, at pink na panty na nakatakip sa kanyang mukha.
Ayon sa mga ulat, ini-livestream ni Zokkunzokkun ang naturang eksena sa kanyang online channel na may higit 5,000 followers.
Aniya, ginawa niya ito upang makakuha ng mas maraming viewers. Ngunit imbes na kasikatan, matinding batikos at nauwi sa bilangguan ang kanyang inabot.
Maraming residente ang nagtawag agad sa mga pulis matapos masaksihan ang kakaibang eksena.
Sa isinagawa namang imbestigasyon, inamin ni Zokkunzokkun na ginawa niya ang stunt para lamang sa pansin at dagdag viewers.
Nakumpiska rin ng mga awtoridad ang ilang gamit na ginamit niya sa livestream.
Bagama’t may ilang nagtatanong kung nararapat bang ikulong ang isang streamer sa ganitong insidente, iginiit ng mga opisyal ng Chiba Prefecture ang kanilang mahigpit na pagpapatupad ng nuisance prevention ordinance.
Layunin nitong mapanatili ang kaayusan sa mga komunidad at pigilan ang mga hindi nararapat na asal sa pampublikong lugar.