Dagupan City – Ano ang kaya mong gawin para hindi maibigay ang iyong yaman sa iyong asawa na may planong makipag-divorce?

Umuwi kasi ang mister na kinilalang si si Francis McGuirk, 50-year-old professional golfer sa kanyang tahanan sa Sandwich, isang bayan sa Dover District ng Kent na nasa south-east England.

Ayon sa ulat, walang tao noon sa bahay na pag-aari nila ng kanyang misis na si Sarah sa kadahilanang hindi maayos ang kalagayan ng kanilang relasyon at nasa proseso na ito ng paghihiwalay.

--Ads--

Si Francis at Sara ay mayroong tatlong anak na babae, at isang aso.

Sa mga oras na iyon, nagpadala ito ng mensahe sa misis tungkol sa kanyang plano. Nagsend ito ng voice message kay Sarah na susunugin niya ang kanilang bahay, at ihahagis niya palabas ng bahay ang kanilang alagang asong si Dolly para hindi iyon madamay sa sunog.

Hindi siya nagbibiro dahil pagkatapos niyang magpadala ng mensahe, sinindihan na niya ang bahay na nasa seafront lot at nagkakahalaga ng US$1.4 million o higit P81,700,000.

Sa testimonya ng isang bumbero na unang dumating para mag-apula sa sunog, sinabi umano sa kanya ni Francis na sinunog nito ang bahay para walang makinabang dito kapag naghiwalay na silang mag-asawa.