Dagupan City – Sugatan ang 41-anyos na lalaki matapos pagbabarilin ng kaniyang sariling pinsan sa syudad ng San Carlos.

Ayon kay PMAJ. Gllen Dulay, Chief of Police ng San Carlos PNP, sinundan umano ng suspek ang biktima habang tinatahak ang kalsada sa kanilang barangay, kasama ng kaniyang 25-anyos na asawa at 1 taong gulang na anak, at doon pinagbabaril.

Hindi direktang nabaril ng suspek ang biktima at sa kabutihang palad ay sa helmet lamang ang tinamaan na naging sanhi naman ng kaniyang pagtamo ng minor injury galing sa impact.

--Ads--

Agad naman itong itinakbo sa hospital, samantalang wala namang nasaktan sa kaniyang mag-ina.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, matagal nang may alitan ang biktima at suspek, na nakikitang naging sanhi ng pamamaril. Mataas din umano ang posibilidad na hindi lisensiyaado ang baril na ginamit ng suspek, at isa lamang itong short firearm.

Sa nagyon ay pinaghahanap pa ng pulisya ang nasabing suspek kung saan nahaharap ito sa kasong attempted murder at subject for police operation.

Samantala, ito na ang pang-apat na naitalang shooting incident sa bayan ng San Carlos ngayong taon. (Luz Casipit)