Dagupan City – Kinilala ang Bayan ng Tayug at tatlo pang local government units (LGUs) sa Pangasinan bilang National Awardees sa 2025 Anti-Drug Abuse Council (ADAC) Performance Awards dahil sa kanilang mahusay na pagpapatupad ng mga programa laban sa ilegal na droga.

Bukod sa Tayug, kabilang din sa mga pinarangalan ang mga bayan ng San Fabian, Anda, at ang Lungsod ng Alaminos.

Ang apat na LGU ay kabilang din sa 16 na awardees mula sa buong Ilocos Region na kinilala sa kanilang epektibong kampanya kontra ilegal na droga.

--Ads--

Bunga ang naturang pagkilala ng sama-samang pagtutulungan ng Municipal Government, Local Anti-Drug Abuse Council (ADAC), Philippine National Police, iba pang ahensya ng pamahalaan, at mga stakeholder sa pagpapatupad ng mga programang naglalayong mapanatiling ligtas, matatag, at malaya sa ilegal na droga ang komunidad.

Binigyang-diin naman ng pamahalaang bayan Tayug na sumasalamin ang parangal sa patuloy nitong pagsusumikap na isulong ang mabuting pamamahala at palakasin ang mga hakbang laban sa ipinagbabawal na gamot sa pamamagitan ng koordinasyon ng iba’t ibang sektor.

Dahit dito, mas pagiibayuhin pa nila ang laban kontra illegal na droga upang makamit ang maayos, ligtas at drug free na komunidad.