DAGUPAN CITY- Kasalukuyan pa ring nasa ospital ang 37-anyos na biktima sa nangyaring insidente ng pananaksak sa bayan ng Manaoag.
Ayon kay PMaj. Paul V. Sisos, Officer in Charge ng Manaoag Municipal Police Station, ang nangyaring insidente ang kinasangkutan ng mga nag-iinuman sa nasabing barangay.
Aniya, ang biktima ay nangngangalang Michael, samantalang ang suspek naman ay nagngangalang Richard kasama ang 13 anyos na na menor de edad na anak.
--Ads--
Batay sa imbestigasyon ay sinakal umano ni Michael si Richard nang nagkaroon ng pagtatalo sa pag-iinom.
Dagdag ng pulisya na ang nakikitang dahilan ng pagtatalo ng dalawa ay ang dating alitan ng dalawa.
Sa ngayon ay nanantili pa sa pagamutan ang biktima at kasalukuyang nagpapagaling.