DAGUPAN CITY- Arestado sa bisa ng warrant of arrest ang isang 35 taon gulang na lalaki sa bayan ng Bolinao matapos itong maharap sa kasong pang-gagahasa.

Ayon kay PCapt. Jayson Orilla, Deputy Chief of Police ng Bolinao PNP, kinilala ang suspek na si Edison Baugan, isang mangingisda, residente ng Brgy. Lucero, sa nasabing bayan.

Sa kanilang impormasyon, taong 2016 nang magtrabaho umano ang suspek sa Subic kung saan nito ginawa ang krimen. Matapos ang insidente, umuwi ito sa Bolinao at nagtago.

--Ads--

Ayon pa kat PCapt Orilla, wala umano itong bail recommended.

Nagpaalala naman si PCapt Orilla, patuloy ang kanilang kapulisan na pumupunta sa bawat barangay upang paigtingin pa ang kaayusan.

Huwag naman aniyang magdalawang isip na sumangguni sa kanilang himpilan kung may nalalaman silang kriminalidad.