Dagupan City – Mas pinaigting ng mga opisyal ng ilang barangay sa Calasiao ang regulasyon hinggil umano sa pagpapagala ng mga aso upang mapigilan ang pagdami ng stray animals at kaso ng rabies.
Kung saan patuloy ang pag-iikot ng mga awtoridad upang hulihin ang mga asong pagala-gala, ngunit ibinabalik din ang mga ito sa mga may-ari dahil wala pang impounding facility sa ilang barangay.
Ayon sa mga opisyal, malaking hamon ang kakulangan ng pasilidad para sa mas epektibong pagpapatupad ng ordinansa.
Gayunpaman, nagpapatuloy ang pagbabakuna sa mga alagang hayop kung saan ay nasa tinatayang kalahati na ng kabuuang populasyon ng aso ang nabibigyan ng bakuna.
Hinimok din ang mga residente na maging responsable sa pag-aalaga ng kanilang mga hayop upang makamit ang layuning zero rabies sa kanilang komunidad.










