Dagupan City – Matagumpay na isinagawa ang 2nd Quarter Nationwide Simultaneous EarthQuake Drill sa lungsod ng Alaminos.

Pinangunahan ito ng Alaminos City Disaster Risk Reduction Management Office katuwang ang ahensya ng Bureau of Fire Protection, at PNP – Alaminos City.

Ang programang ito ay isinusulong ng Lokal na Pamahalaang Lungsod ng Alaminos sa pamumuno ni Mayor Arth Bryan C. Celeste.

--Ads--

Layunin ng aktibidad na muling ituro at itaas ang kamalayan ng mga mamamayan sa kahalagahan ng wastong pagtugon sakaling tumama ang malakas na lindol upang matiyak ang kaligtasan ng lahat.