Dagupan City – Pinagsasaksak ang 27-anyos na lalaki sa lungsod ng Dagupan ng kaniyang sariling menor-de-edad na kaibigan.

Ayon kay Plt Jailine De Guzman Aquino, Assistant Women and Children Protection Desk Officer, kinilala ang biktima at ang 17-anyos na suspek na parehong mangingisda at residente umano sa Brgy. Pugaro sa nasabing lungsod.

Lumalabas naman sa inisyal na imbestigasyon na nagkaharap ang dalawa sa isang inuman at doon na rin nagsimula ang kanilang alitan.

--Ads--

Kung saan, napag-alaman umano na madalas na ibully ng biktima ang hinihinalang suspek.

At matapos ng kanilang pag-iinom, nagtungo ang menor de edad sa kanilang bahay upang kumuha ng kutsilyo, at dito na pinagsasaksak ang kanyang kaibigan.

Dahil sa pangyayari, nagtamo ng mga sugat ang biktima at dinala sa pinakamalapit na pagamutan, habang pagkatapos nito ay mapupunta naman ang suspek sa kamay ng kustodiya ng City Social Welfare and Development Office hinggil sa pagharap sa kaniyang nagawa.