Dagupan City – Kasalukuyang nakakulong na ang isang indibidwal na nasa listahan ng mga target ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos mapagtagumpayan ng Dagupan City Police Office (DCPO) ang isang pinagsamang operasyon ng buy-bust sa Barangay Mayombo.
Pinangunahan ang operasyon ng Police Station 2, kasama ang City Police Drug Enforcement Unit (CPDEU), City Intelligence Unit (CIU), at PNP-Drug Enforcement Group (DEG) Special Operations Unit 1, at ang PDEA-Rehiyon 1.
Nadakip sa operasyon ang isang 24-anyos na isang construction worker na residente ng nasabing barangay.
Nakuha sa kanyang pangangalaga ang dalawng (2) plastik na sachet na may heat-seal na naglalaman ng hinalang shabu, may bigat na humigit-kumulang na 6 gramo na tinatayang nagkakahalaga nhPhp 40,800.00 at iba pang ebidensya.
Samantala, inihahanda na ngayon ng mga opisyal ng pagpapatupad ng batas ang mga kasong ihahain laban sa kanya para sa paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Article II of R.A. 9165 na ipapadala sa pamamagitan ng inquest proceedings.










