DAGUPAN CITY- Patuloy nagpapagaling sa hospital ang 22 taong gulang na lalaki matapos itong makapagtamo ng sugat sa kanyang katawan matapos itong pagsasaksakin ng 25 taong gulang, sa bayan ng Dasol.

Ayon sa naging panaym kay Pcpt. Simeon Dela Cruz ang siyang officer in charger ng Dasol Municipal Police Station at sa kanilang isinagawang imbestigasyon na ang biktima ay dumaan sa lugar ng insidente nang makita niya ang suspek.

Kinilala ang biktima na si Alvin Petralves Meru, 22 taong gulang, at residente ng Brgy. Alilao.

--Ads--

Samantala, ang suspek ay si Je Meru Aguinald, 25 taong gulang, residente ng Brgy. San Vicente, na kaparehong bayan.

Ang suspek ay naaresto sa isang hot pursuit operation ng mga otoridad at nahaharap sa kaukulang kaso.

Napag-alaman na parehong nasa ilalim ng impluwensya ng alkohol ang biktima at ang suspek na isa sa mga dahilan kung bakit nauwi sa malalang sitwasyon.

Nakuha naman sa lugar ang ginamit na patalim ng suspek. Isa rin sa nakikita motibo ng mga otoridad ay dahil sa alitan ng pamilya.