Dagupan City – Nasawi ang isang bente anyos na babaeng dalawang buwang buntis sa lungsod ng Urdaneta matapos mahulog sa sinasakyan nitong motorsiklo na minamaneho ng kanyang live in partner sa kahabahaan ng bypass road sa Barangay Santa Lucia.
Batay sa imbestigasyon ng kapulisan, nangyari ang aksidente nang biglang magpreno ang driver ng isang motorsiklo na sinasakyan ng biktima upang maiwasang mabangga ang isang lumilikong pick-up.
Dahil dito, nahulog ang biktima kaya nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan kabilang na ang ulo habang ang driver ay nagtamo ng kaunting sugat sa kanyang katawan.
Agad namang naisugod sa pagamutan ang biktima subalit idineklara na itong dead on arrival, habang nasa mabuti nang kalagayan ang live-in partner nito.
Samantala, Inaalam pa ng mga awtoridad ang mga detalye ng insidente at kung mayroong pananagutan ang sinuman.
Patuloy nman ang imbestigasyon ng kapulisan upang matukoy ang eksaktong sanhi ng aksidente.