Dagupan City – Nanawagan ang 1st Regional Community Defense Group sa publiko na nais mapabilang na volunteers upang maging miyembro ng reserve force sa Rehiyon Uno,

Ayon kay Col Leopoldo T. Babante MI (GSC) PA, Group Commander ng 1st Regional Community Defense Group, ito ang kanilang tinututukan ngayon lalo na’t patuloy ang kanilang recruitment para sa mga indibidwal na nagnanais na maglingkod sa bayan.

Nananawagan rin ito ng suporta para sa basic citizens military training na makakatulong upang mapalakas at mapatatag ang seguridad para sa bayan.

--Ads--

Sa katunayan aniya, tuloy-tuoy ang kanilang mga isinaagawang aktibidad sa camp Tito Abat sa bayan ng Manaoag.

Dito na rin biniyang diin ni Babante na mahalaga ang basic citizens military training sa maraming aspeto para sa mga gustong maglingkod sa bayan dahil ito ay makakatulong para sa pagpapalakas ng disiplina, pagpapaunlad ng liderato, pagahahanda sa sakuna at iba pa.