Nakapagtala ng labing tatlong landslide sa barangay Malico sa bayan ng San Nicolas dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay Shalom Gideon Balolong, MDDRM officer sa bayan ng San Nicolas, unang nagkaroon ng landslide bandang 3:30 ng hapon kahapon at sinundan ito bandang ala 12 ng gabi.

Sa loob aniya ng 5 oras na deretsong ulan ay nagkaroon ng 13 landslide, lima rito ay major landslide kung saan ay malaking bahagai ng lupa ang bumagsak na may kasamang puno at mga bato.

--Ads--

Ito ang unang pagkakataon na nakapagtala ng maraming landslide sa kasagsayan ng limang oras lamang na pag ulan.

Pinagtakhan din nila ani Balolong dahil samga nakaraang mga taon, kadalasan ay umaabot ng ilang araw bago magkaroon ng landslide.

Sa ngayon ay nananatiling sarado ang Villa Verde Road habang isinagawa ang clearing operation sa lugar.