Dagupan City – Idinaos ang Inauguration at Oath-Taking Ceremony ng mga bagong halal na opisyal sa munisipalidad ng Calasiao.

Pinangunahan ang panunumpa ni Mayor Patrick Agustin Caramat, kasama ang kanyang Bise Alkalde na si Vice Mayor Kevin Macanlalay, at ang sampung (10) konsehal na kasapi ng Team Caramat-Macanlalay, na wagi sa halalan sa pamamagitan ng isang 10-0 historic straight victory na isang tagumpay na hindi pa naitala sa kasaysayan ng lokal na pamahalaan ng Calasiao.

Dumalo ang mga opisyal mula sa iba’t ibang barangay, mga kawani ng pamahalaan, at daan-daang mamamayan na nagpahayag ng kanilang suporta at pagtitiwala sa bagong administrasyon.

--Ads--

Tampok sa programa ang mga mensahe ng pasasalamat at pqngakong tapat na paglilingkod para sa kapakanan ng bawat residente.

Kanilang inilahad ang mga pangunahing programa at adhikain ng kanilang administrasyon para sa susunod na tatlong taon.

Sa pagtatapos ng programa, muling nagpasalamat ang buong Team Caramat-Macanlalay sa tiwalang ibinigay ng taumbayan at tiniyak na ito ay kanilang tutumbasan ng tapat, mahusay, at makataong paglilingkod.