Dagupan City – Matagumpay na naaresto ng Dagupan City Police Office (DCPO) ang isang wanted person sa Barangay Poblacion Oeste sa lungsod ng Dagupan.
Sa koordinasyon ng Station 6, City Investigative and Detective Management Unit (CIDMU), at City Intelligence Unit (CIU), nadakip ang suspek, isang lalaking barbeque vendor na residente ng Barangay Bonuan Gueset.
Ang suspek ay may warrant of arrest dahil sa kasong Theft (Article 308 ng Revised Penal Code) na inilabas noong Pebrero 26, 2026, at may rekomendadong bail na Php 36,000.00.
--Ads--
Para sa transparency, gumamit ang mga operatiba ng Body-Worn Cameras sa buong operasyon.
Sa kasalukuyan nasa kustodiya na ng kapulisan ang suspek upang mapanagot sa kanyang kinakaharap na kaso.










