Inakusahan ni Vice President Sara Duterte si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na umano’y responsable sa kaguluhan sa Senado at sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa.
Ayon sa Bise Presidente, may nagaganap umanong “abuse of power” at kawalan ng paggalang sa institusyon ng Senado sa gitna ng mga nagdaang tensyon sa loob ng lehislatura.
Sinabi rin ni Sara Duterte na ginagamit umano ng administrasyon ang lahat ng makinarya ng gobyerno laban sa mga hindi sumusuporta sa Pangulo.
“What you are witnessing sa bayan natin is grave abuse of power,” ani Duterte.
Dagdag pa niya, “So, what we are seeing now is the administration using all government resources to demolish political opposition… Nagkakagulo lang tayo dahil kay BBM.”
Dahil dito pumalag naman ang Malacañang kung saan sinabi nito na mas mainam na huwag nang patulan ang mga pahayag ng Bise Presidente, na anila ay walang batayan at walang laman.
Ayon sa Palasyo, kailangan ng bansa ng isang lingkod-bayan na nakatuon sa serbisyo publiko at hindi sa pagpapakalat ng intriga at maling impormasyon.










