Dagupan City – Kamakailan lamang ay inanunsyo ng Commission on Elections na ang pagpaparehistro ng mga botante para sa Barangay at SK Elections ay na-reschedule. Kung saan inilipat ito sa huling linggo ng Oktubre 2025 hanggang Hulyo 2026 sa halip na sa dating iskedyul nito, na dapat sana ay mula Hulyo 1-11, 2025.
Ayon sa naging panayam kay Atty. Reddy Balarbar ang siyang Acting regional election Director ng Comelec region 1 na isa sa dahilan ng paglipat nito ay para sa mas mahabang preparasyon ng Comelec para sa pagpaparehistro dahil mayroong ilang pagbabago.
Kung saan kasama na sa automated biometric identification system ang pagi-iscan ng iris ng mga botanteng magpapa-rehistro para sa dagdag na seguridad upang maiwasan at mawala ang mga kumakalat na impormasyon na nagkakaroon ng multiple o double registration.
Sa kabila naman ng bagong iskedyul ng registration ay wala pang opisyal anya anunsyo kung tuloy o ipagpapaliban ang nakatakdang Barangay at SK Elections ngayong taon.
Dagdag pa nito na tuloy tuloy pa rin naman ang kanilang paghahanda habang hinihintay kung lalagdaan ni Pangulong Marcos Jr. ang panukalang batas na nagpapaliban dito at nagpapalawig sa termino ng mga barangay at SK official mula 3 taon tungong 4 na taon.
Samantala, sa isasaagwang registration naman sa oktubre ay patuloy pa rin nilang isasagawa ang registration anywhere program o RAP sa ilang mga lugar para sa mas mabilis at madali na pagpaparehistro ng mga botante.
Magbibigay din sila ng abiso sa mga indibidwal na nadeactivate na ang kanilang registration para makapagreactive muli para sa barangay at Sangguniang Kabataan Election.
Tinatawagan naman ng pansin ang mga may edad 18-year-old pataas na magtungo lamang sila sa tanggapan ng Comelec Office sa kanilang bayan o di kaya sa mga lugar na maglulunsad ng off site registration at magdala lamang sila ng valid id.