Sinimulan na ng Urdaneta City Pnp ang ang paglalatag ng seguridad sa panahon ng Semana Santa at summer vacation.

Ito mismo ang kinompirma ni Police Lt. Col John Guiagui, Chief of Police ng Urdante City Pnp sa ekslusibong panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan.

Ayon sa opisyal, may inilatag silang pitong Police Assistance Desk sa iba’t ibang lugar na siya umanong magbibigay ng pangunahing seguridad sa mga tao, byahero pati na sa mga dayuhan.

--Ads--

Aniya, layon nitong matiyak na ligtas at payapa ang pagdiriwang ng mga mamamayan sa kanilang mahabang bakasyon.

Ayon pa sa opisyal, tututukan ng kanyang grupo ang mga kalsada, matataong lugar at babantayan ang mga ruta ng mga magbabakasyon.