Dagupan City – Mga kabombo!

Nakarinig ka na ba ng balitang “ayokong ikasal sa identical twins dahil baka malito ako?”

Ibahin niyo ang ikinasal sa America. Hindi lang kasi double kundi the fun para sa identical twin sisters na ikinasal sa identical twin brothers.

--Ads--

Ayon sa ulat, napakaraming match na nangyari sa buhay ng twins na sina Brittany and Briana Deane.
Dahil hindi sila mapaghiwalay simula noong bata, pinangarap nilang makatagpo ng mapapang-asawa na lalaking kambal din?

Kung kaya’t tila ba’y hindi sila binigo ng tadhana. Dahil noong 2017, dumalo sina Brittany at Briana sa Twins Day Festival sa Twinsburg, Ohio.

Ang annual festival na ito ay ipinagdiriwang tuwing first weekend ng August sa Twinsburg na dinadaluhan ng mga biological twins, triplets, at quadruple.

At dahil dito, nakilala nina Brittany at Briana ang twin brothers na sina Josh at Jeremy Salyers.

Makalipas nga ng isang taon, ikinasal si Briana kay Jeremy at si Brittany kay Josh on the same day.

Ang dalawang couple ay magkakasamang nakatira sa isang bahay sa Bedford County, Virginia.Sa ngayon ay pare-pareho na silang mga magulang.

Sina Brittany at Josh ang mga magulang ng batang si Jett, habang sina Jeremy at Briana ay magulang ni Jax. Pareho ring tatlong taong gulang ngayon ang mga batang lalaki, pero five months older si Jett kay Jax.