DAGUPAN CITY- Pinangakuan ng gobyerno ng India na mabibigyan ng sapat na suporta ang nag-iisang survivor mula sa kamakailan insidente ng airplane crash sa isang residential area.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Jitin Ahluwalia, Bombo International News Correspondent sa nasabing bansa, personal na binisita ni Indian Prime Minister Narendra Modi si Vishwashkumar Ramesh, isang British Citizen na tubong India, sa kung saan ito nagpapagaling.

Maging ang sangkot na aviation company na Ahmedabad airport ay nag-anunsyo ng pagpapaabot ng kanilang pagtulong sa survivor at pati na rin sa pamilya ng mga nasawing pasahero at crews.

--Ads--

Ibinahagi naman ng nag-iisang survivor na malapit siya sa exit door ng eroplano at tumalon na lamang ito bago tuluyang mag-crash sa kalupaan.

Tinuturing naman ng sole survivor na isang himala ang kaniyang pagkakaligtas.

Samantala, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa India sa pagbagsak ng Boeing 787-8 Dreamliner sa isang residential area, nakikita naman na propulsion system o engine failure ang ugat ng insidente.

Umabot na sa 274 na katao ang nasawi mula sa insidente, kabilang na rito ang 33 na nasawi mula sa residential area.

Ayon naman kay Ahluwalia, kilalang paliparan sa bansa ang Ahmedabad airport kung saan nag-take off ang naturang eroplano.

Ika-pito ito sa malalaking paliparan sa bansang India.