DAGUPAN CITY- Umabot sa limanglibo na mga beachgoer ang naitala ng sa tondaligan beach park na bumisita sa baybayin nito lamang kakatapos na undas at long weekend.

Ayon Alberto Gregorio, Administrator sa Tondaligan Beach Park, na noong araw ng sabado at lingo ay mas dumagsa ang mga bumisita sa baybayin na mula sa iba’t ibang bayan at maging sa kalapit na probinsya para maggunita ng long weekend kasama ang kanilang mga pamilya.

Anya, naging maayos, mapayapa at walang naitala na Kahit anumang insidente dahil na rin sa mahigpit na pagbabantay at pagpapaalala ng mga otoridad para sa kanilang kaligtasan.

--Ads--

Ipinagpasalamat din naman nito ang publiko sa pagtalima sa tama at responsableng pagtatapon ng knailang mga basura upang mapanatili rin ang kalinisan sa baybayin.