Dagupan City – Matapos umanong makatanggap ng mga samo’t saring opinion ang Big Hit Music.

Naglabas ng offical statement ang grupo tungol sa pahayag na pagkakahuli ng awtoridad kay BTS member Suga dahil sa pagmamaneho niya ng electric scooter nang nakainom.

Ayon sa ulat, naging usap-usapan kasi ito online kung saan ay lumabag ang Kpop idol sa Road Traffic Act dahil sa pagmamaneho niya nang lasing.

--Ads--

Dahil sa insidente, mabilis naglabas ng pahayag ang talent management ni Suga, para ipaliwanag ang nangyari.
Ayon sa Big Hit, hinuli si Suga ng mga awtoridad at nagmulta, kinumpiska rin ang driver’s license nito.

Gayunpaman, agad din naman daw pinauwi si Suga.

At matapos ang pangyayari ay inamin din ni Suga ang pagkakamali kaya’t anuman ang parusang ipapataw sa kanya ay bukal daw sa puso niya itong tatanggapin.

Kalakip naman nito ang pangako niyang mag-iingat na sa susunod at sisiguraduhin niyang hindi na ito mangyayari pa.