BOMBO DAGUPAN – Inihayag ng militar ng Israel na nilabag ng mga pwersa nito ang protocol sa pamamagitan ng pagtali sa isang sugatang Palestinian na lalaki sa harap ng kanilang sasakyan sa panahon ng pagsalakay sa lungsod ng Jenin sa West Bank.

Kinumpirma ng Israel Defense Forces ang insidente matapos itong makunan ng video at ibinahagi sa social media.

Ayon sa isang pahayag ng IDF, ang lalaki ay nasugatan sa palitan ng putok sa panahon ng pagsalakay.

--Ads--

Kinilala naman ito na si Mujahed Azmi.

Sinabi ng pamilya ng nasugatan na indibiduwal na nang sila ay humingi ng ambulansya, ay kinuha siya ng hukbo, itinalo sa harap ng sasakyan at pinaandar ito.

Ang indibidwal ay kalaunan ay inilipat sa Red Crescent para gamutin.

Sinabi ng IDF na iimbestigahan nila ang nasabing insidente.