Dagupan City – Arestado ang isang 29-anyos na lalaki matapos mahuli sa isinagawang buy-bust operation ng kapulisan sa Brgy. Bocboc West bandang alas-9:45 ng gabi noong Abril 29, 2026.

Isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng Aguilar Police Station sa pamumuno ni PMAJ Mark Ryan C. Taminaya, OIC, katuwang ang PDEA Region 1, na nagresulta sa pagkakadakip ng suspek na itinuturing na street-level individual at residente ng nasabing bayan.

Nakumpiska mula sa kanyang pag-iingat ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang bigat na humigit-kumulang 0.4 gramo na may standard drug price na Php2,720, pati na rin ang isang pirasong Php500 na ginamit bilang buy-bust money.

--Ads--

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, habang patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay ng insidente.