Bumuo na ng Special Investigation Task Group (SITG) ang otoridad kasunod ng pagpaslang sa isang abogado matapos nitong dumalo sa hearing sa harapan mismo ng Justice hall dito sa lungsod ng Dagupan City, Pangasinan.

Una rito, dumalo ang biktima na si Atty Val Crisostomo, sa hearing sa kasong may kaugnayan sa illegal gambling subalit nang makalabas na ang abogado sa labas ng justice hall ay doon na ito pinaulanan ng bala ng hindi pa nakikilalang mga suspek dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan, inihayag ni PNP Pangasinan Police Director, Police Col. Wilson Lopez, binuo ang naturang grupo ng pinagsanib puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (PNP CIDG) at PNP Dagupan upang mapadali ang imbestigasyon.

--Ads--

Bagamat sa ngayon aniya ay wala pa silang malinaw na motibo sa krimen kayat isinasa-alangalang parin nila ang lahat ng posibleng maging dahilan nito.

Habang bigo rin ang mga otoridad na mahuli ang mga hindi pa nakikilalang suspek sa isinagawang hot pursuit operation matapos ang krimen.


PNP Pangasinan Police Director, Police Col. Wilson Lopez

Kasunod nito ay hinikayat ni Lopez, ang sinumang nakasaksi sa krimen na makipagtulungan sa kanilang hanay para sa mabilis na ikareresolba nito.