DAGUPAN CITY- Kasalukuyang isinasagawa ngayong araw ng sabado, March 8,2025 ang simultaneous Philippine-Army wide blood donation activity bilang bahagi ng ika-128th Philippine Army Anniversary Celebration dito sa headquarters, 1RCDG, Camp Lt Tito Abat, Manaoag Pangasinan.
Ang selebrasyon ay may temang ‘Dugong Alay ng LAANG KAWAL at mga Makabagong bayani tungo sa Matatag na Sandigan ng Bagong Pilipinas
Ayon kay Col Leopoldo T. Babante, MI (GSC) PA, Group Commander, 1RCDG, RESCOM, PA na sinimulan nila ang ganitong aktibidad noong taong 2023 kung saan katuwang ang iba’t ibang institution, grupo, unibersidad at ilang non organization gayundin ang Region 1 Medical Center (R1MC), Manaoag health Office at maging ang rural health unit sa pagsasagawa ng bloodletting activity.
Base sa kanilang datos noong taong 2023 ay nakapagtala sila ng mahigit tatlong raan na donors at last year taong 2024 ay tumaaa ang bilang na aabot sa mahigit isang libo ang kanilang naitala na nakapagdonate ng dugo sa buong rehiyon.
Samantala, bukod dito sa headquarters, 1RCDG, Camp Lt Tito Abat, dito sa bayan ng Manaog ay kasalukuyan ding nagsasagawa ng blood letting activity sa campo sa bayan ng Malasiqui at sa buong rehiyon uno.