DAGUPAN CITY- Isinasagawa ng mga opisyal ng lungsod ang ika-apat na clearing operation sa Material Recovery Facility (MRF) ng Bonuan Binloc sa kabila ng mainit na panahon upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng pasilidad.
Pinangunahan ang operasyon ng City Engineering Office at Waste Management Division para sa ika-apat na paglilinis ng sa mini dumpsite sa nasabing barangay.
Ang mga opisyal ay kasama sa patuloy na pagmomonitor ng pasilidad upang tiyakin na mapanatili ang kalinisan at kaayusan nito matapos may mabuong mini dumpsite dahil sa tambak na basura.
Bahagi ito ng patuloy na gawain ng lungsod para mapanatili ang maayos na sistema ng pagbabasura.
Binibigyang-diin ng mga awtoridad na mahalaga ang paghihiwalay ng mga uri ng basura bago ito dalhin sa pasilidad.
Ito ay nakatutulong upang mapanatili ang maayos na daloy ng mga proseso sa MRF at pigilan ang pagdami at tambak ng basura.
Patuloy na pinapaalalahanan ng mga awtoridad ang mga mamamayan na igalang at sundin ang mga alituntunin para sa tamang pagtugon sa basura.
Layunin nitong mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran, pigilan ang pagkasira ng mga taniman, at tiyakin ang kaginhawahan ng mga mamamayan.










