DAGUPAN CITY– Nagluluksa ngayon ang simbahang katolika dito sa lalawigan ng Pangasinan sa pagpanaw ni dating Lingayen Dagupan Archbishop Oscar Cruz na dati ring Catholic Bishop Conference of the Philippines judicial vicar .

Nasawi si Cruz sa edad na 85 kaninang 6:45 umaga sa Cardinal Santos Hospital dahil sa iniinda nitong karamdaman.

Matagal na nagsilbi si Cruz bilang Emeritus ng Lingayen-Dagupan mula 1991 hanggang 2009.

--Ads--

Pinalitan ito sa pwesto ni Bishop Socrates B. Villegas ng Diocese of Balanga .

Si Cruz ay kilala rin bilang kritiko ng mga nagdaang administrasyon sa ilalim ng pamumuno nina dating pangulong Joseph Estrada, Gloria Macapagal Arroyo, Benigno Aquino III, maging ng kasalukuyang presidente na si Rodrigo Duterte.