Dagupan City – Magdadala ng mas pinalapit na serbisyo ang programang ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa bayan ng Malasiqui sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan.
Isasagawa ang aktibidad sa Marso 24, 2026, mula alas-9 ng umaga sa Arenas Civic Center kung saan inaasahang makikinabang ang mga residente sa iba’t ibang serbisyong hatid ng BIR sa pamamagitan ng kanilang one-stop-shop.
Kabilang sa mga serbisyong ilalapit sa publiko ang aplikasyon para sa Tax Identification Number (TIN), pagkuha ng digital TIN ID, pagpaparehistro ng negosyo, at pagproseso ng One-Time Transaction (ONETT).
Layunin ng programa na gawing mas mabilis at mas maginhawa ang mga transaksyon ng mga mamamayan, lalo na ang mga nangangailangan ng BIR services, nang hindi na kinakailangang pumunta pa sa malalayong tanggapan.
Hinihikayat naman ang publiko na samantalahin ang pagkakataon upang maasikaso ang kanilang mga pangangailangan kaugnay ng pagbubuwis at pagrerehistro ng negosyo.










