Inihalal si Sen. Robin Padilla bilang bagong minority member ng Senate Blue Ribbon Committee.
Pinalitan niya si Sen. Bato dela Rosa na hindi pa ulit dumadalo sa Senado mula noong Nobyembre.
Ito’y mula nang ilahad ni Ombudsman Boying Remulla na may inisyu na umanong arrest warrant ang International Criminal Court laban kay Dela Rosa.
--Ads--
Kabilang si Dela Rosa sa mga pinangalanang co-perpetrators umano ni dating pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang crimes against humanity case.
Ang Senate Blue Ribbon Committee ay isa sa mga pangunahing komite ng Senado na may mandato na magsagawa ng imbestigasyon sa mga alegasyon ng katiwalian, anomalya, at iba pang usaping may kinalaman sa pananagutan ng mga opisyal at ahensya ng pamahalaan.










