DAGUPAN, CITY— “SARA all’


Ito ngayon ang reaksyon ng mga tagasuporta ni Vice President-elect Sara Duterte sa pagdalo niya mismo sa graduation rites ng isang mag-aaral sa lungsod ng San Carlos na nag-abot sa kanyang ng liham na nag-iimbeta na makadalo sa kanyang pag-akyat sa intablado sa kanyang pagtatapos sa sekondarya


Sa kaniyang Facebook account, ibinahagi ni Vice President-Elect Duterte ang mga larawan mula sa nasabing moving-up ceremony kung saan tinupad nito ang kahilingan ng isang graduating student na si Angel Mae Tayaba na makasama si VP-Elect Sara sa entablado ng dahil hindi niya makakasama ng kanyang ina na isang OFW.

--Ads--


Si Angel May ay grumaduate with honors kaya naman si Duterte na rin mismo ang nagsabit ng kanyang mga natanggap na medalya at maliban pa rito sinamahan din nito ang naturang estudyante para kumain ng pananghalian.


Lubos naman ang pasasalamat ni Angel May kay VP-elect Sara sa pagtupad ng kanyang kahilingan sa isa sa kanyang pinakamemorableng tagpo ng kanyang buhay.


Sa isa namang FB post, lubos ang pasasalamat ng ina ng estudyante sa ibinigay na oras ni VP-Elect Sara sa kanyang anak, na hindi niya ngayon makasama dahil sa pagtratrabaho nito at sakripisyo sa ibang bansa.


Matatandaan na noong bumisita si Duterte sa lalawigan ng Pangasinan noong panahon ng kampanya para sa 2022 elections, naipaabot ni Angel May ang kanyang liham na naglalaman ng kanyang pagsuporta sa naturang opisyal.