BOMBO DAGUPAN- Puspusan na ang paghahanda ng Sangguniang Kabataaan ng bayan ng Calasiao para sa nalalapit na linggo ng kabataan.

Ayon kay Coun. Narayana Rsi Das Mesina – Sangguniang Kabataan Federation President sa nasabing bayan halos tatlong linggo na ang kanilang ginagawang preparasyon upang mas magarbo ang nasabing pagdiriwang.

Kung saan ito ay mandated na iselebra ng Sangguniang Kabataan.

--Ads--

Ani Coun. Mesina na kinausap niya ang lahat ng SK Chairperson sa kanilang bayan upang mapag-usapan ang kanilang gagawin.

Magsisimula naman ito mula Agosto 10-15 na kinapapalooban ng iba’t ibang aktibidad para sa mga kabataan. Gaya na lamang ng mga youth forum, seminars at iba pa.

Nagpapasalamat naman ito sa lahat ng mga youth organization sa kanilang bayan na napakaaktibong nakikilahok sa mga gawain para sa mga kabataan.

Inaanyayahan niya din ang mga kabataan na gustong sumali sa mga nasabing gawain ay bukas ito para sa lahat.