Dagupan City – Okay lang ang tambalang JoshLia.

Ito ang siniguro ng rumored Girlfriend ni Joshua Garcia kung saan ay sinabi nitong okay lang sa kaniya ang balik-tambalan ng dalawa.

Kinilala ang kasintahan ni Joshua na si Emilienne Vigier.

--Ads--

Ayon kay Joshua, bago pa maging sila ng kanyang partner ay alam na nito ang pagiging aktor niya sa trabaho.

Tiniyak naman nito na supportive rin daw si Emilienne sa kanilang upcoming movie, kahit alam niyang mag-ex ang dalawa sa totoong buhay.

Samantala, makikita naman sa social media stories ni Emiliene na madalas siyang mag-repost ng mga proyekto ng kanyang boyfriend.
Para naman kay Julia, sinabi niyang secured silang dalawa ni Joshua sa mga posisyon nila sa buhay.