Matapos ang mahigit P2 kada litrong pagtaas, makaaasa ang mga motorista ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong darating na linggo.

Ayon kay Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, base sa fuel trading sa nakalipas na apat na araw, ang presyo ng gasolina ay tinatayang bababa ng P0.50 hanggang P0.75 kada litro.

Nasa P1.00 hanggang P1.15 kada litro naman ang inaasahang bawas-presyo sa diesel, at P0.90 hanggang P1.00 kada litro sa kerosene.

--Ads--

Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustments tuwing Lunes, na kanilang ipinatutupad kinabukasan.