DAGUPAN CITY–Buo ang tiwala ng Region 1 Athletic Association (R1AA) na maganda ang magiging resulta ng ranking ng rehiyon sa ginaganap na Palarong Pambansa 2019.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Edilberto Abalos, Regional Technical Director ng R1AA, umaasa ito na magiging maayos ang laro ng mga atleta upang tumaas ang ranking ng rehiyon kumpara
noong nakaraang taon na nasa 10th place lamang.

Ayon kay Abalos, kahit ano man ang maging kalabasan ng palaro sa kabuoan ay matatanggap nila dahil mas importante naman ang kalusugan ng mga atleta.

--Ads--

Bonus na lamang aniya ang makukuhang medalya sapagkat nais din nilang may makuhang aral, experience at disiplina ang mga atleta.

Samantala, tiniyak nito na maganda ang kalusugan at nasa kondisyon ang mga atleta ng Region1 na kalahok sa palaro.