Mga kabombo! Paano mo ginagamit ang iyong talento “to the highest limit”?

Flex ngayon ng isang 34 anyos na babae sa California ang mga kayang gawin ng kaniyang dila bilang isang record holder ng World’s Largest Tongue sa female category.

Iba’t iba kase ang kayang gawin ni Chanel Tapper sa kaniyang dila kabilang na ang pagbaliktad ng plastic cups at paghawak nito ng kutsara.

--Ads--

Subalit, ang kaniyang pinakapaborito ay ang maglaro ng jenga blocks gamit ang kaniyang mahabang dila.

Ang jenga blocks ay isang interactive game kung saan salitan ang mga player na magtanggal ng isang piraso ng block sa ipinagpatong-patong na 54 piraso na blocks. Golden rule ng laro ay bawal ito matumba.

Sinabi ni Tapper na ito ang kaniyang pinakapaborito dahil sa iba’t ibang reaksyon na nakikita niya sa mga tao. Ikinatutuwa kase niya sa tuwing makita ang mga tao na napapasigaw sa pagkabigla sa kaniyang ginawa.

Bagamat simple lamang subalit, ito umano ang pinaka-nakakawiling nagagawa ng kaniyang dila bilang isang record holder.

Ibinahagi rin niya na maliban sa mga iyan, nagbigay rin ng mga oportunidad sa kaniya ang kaniyang record, kabilang na ang paglabas niya sa isang adevertising campaign ng isang Italian Fashion Brand.