DAGUPAN CITY- Nasugatan ang isang 89-anyos na lalaking pedestrian matapos siyang mabangga ng isang motorized tricycle sa kahabaan ng National Road ng Barangay San Guillermo, bayan ng San Jacinto.
Ayon sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, ang pedestrian – isang biyudo at residente ng San Jacinto – ay tumatawid sa kalsada mula kanluran patungong silangan nang siya ay hindi sinasadyang mabangga ng motorized tricycle na pag-aari ng isang , 58 anyos na lalaki na isang magsasaka at residente ng Brgy. Macayug, San Jacinto.
Ang tricycle ay papunta sa bayan ng San Jacinto mula sa hilaga patungong timog nang mangyari ang insidente.
Natumba sa kalsada ang biktima at nagtamo ng pasa at sugat kaya agad siyang dinala sa malapit na ospital para sa paggamot.
Samantala, ang drayber ay hindi nasugatan at negatibo sa alkohol test.
Samantala, Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang eksaktong sanhi ng insidente upang matukoy ang mga pananagutan ng mga kasangkot.
Pinapaalalahanan naman ang mga drayber at pedestrian na laging mag-ingat sa kalsada upang maiwasan ang mga ganitong insidente.




