DAGUPAN CITY- Inaasahan pa ang pagtaas sa presyo ng karne ng baboy sa Pebrero hanggang Mayo dahil sa epekto ng African Swine Fever (ASF).
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Engr. Rosendo So. Chairman ng Samahang Industriya ng Agrikultura, nagdulot ito ng pagbaba ng produksyon sa stock ng karne.
Aniya, mas naging kaonti ang supply ngayon kumpara sa nakaraang taon kaya mas aasahan pa ang pagtaas ng presyo nito.
Halos P80 ang nakikita nilang itataas nito sa retail price kung saan maaaring tumakbo sa P360-P380 ito.
Samantala, nagiging ‘stable’ na ang produksyon at presyo ng sibuyas sa merkado kung saan maaaring nasa P70 ang farm-gate nito.
Inaasahan na rin ang pag-aani ng mga ito sa Nueva Ecija.
Habang ang kamatis naman ay bumaba na sa P40 ang farm-gate price sa Ilocos kaya aasahan na rin ang pagbaba nito sa merkado.
Kaya inaasahan nang magnormalize ang mga presyo sa susunod na buwan.