Dagupan City – Bumagsak ang presyo ng ilang klase ng isda sa Dagupan City dahil sa pagdami ng suplay, na nagbigay ginhawa sa mga mamimili.

Sa Magsaysay Fish Market, naging mas abot-kaya ang galunggong at pusit, ang galunggong ay naglalaro na lamang sa P100 hanggang P120 kada kilo mula sa dating halos P280, habang ang pusit ay nasa P200 hanggang P400 mula sa dating umaabot ng P500.

Ayon sa mga nagtitinda, buwan ng Marso at Abril ang rurok ng kanilang panahon kaya mas mabilis maubos ang suplay.

--Ads--

Gayunman, nagbabala ang sektor ng agrikultura na posibleng hindi maramdaman ang pagbaba ng presyo sa ibang bahagi ng Luzon dahil sa mataas na gastos sa krudo na nagpapabigat sa operasyon ng mga mangingisda.

Bukod dito, nananatiling may red tide alert sa karagatang sakop ng Anda at Bolinao, kaya pinapayuhan ang publiko na mag-ingat sa pagbili ng shellfish mula sa mga nasabing lugar.