Posibleng umabot sa mahigit P130 kada litro ang presyo ng diesel at higit P100 kada litro naman sa gasolina sa Pilipinas sa susunod na linggo dahil sa matinding taas-presyo.

Base sa projections ngayong Biyernes, Marso 20, inaasahan ang dagdag na P14-P14.50 kada litro sa diesel dahilan para maglaro ang presyo nito malapit sa P130/L.

Sa gasolina naman, inaasahang tataas ng P7.00 hanggang P7.50 kada litro, na maaaring magtulak sa presyo nito lagpas P100/L.

--Ads--

Sa kerosene naman, inaasahan ding tataas nang malaki ang presyo nito.

Ang patuloy na kaguluhan sa Middle East ay nagdudulot ng supply disruption sa pandaigdigang merkado.

Babala naman ng Department of Energy (DOE) na maaaring magpatuloy ang pabago-bagong presyo ng langis dahil sa kawalan ng katiyakan sa suplay.