Labis na ikinagalit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang sumbong ng isang 11-anyos na batang babae na humingi ng tulong sa kaniya dahil sa pang-aabuso ng kanilang barangay opisyal mula sa Camarines Sur.

Base sa sumbog ng bata na kinukupkop na ngayon ng non-government organization na Redeemer Homeless Mission, na ginahasa ang kapatid nito ng isang anak ng barangay kagawad ng Tinambac noon pang Nobyembre 2022 at Pebrero 2023.

Dinala pa ito sa Montalban noong malaman na buntis at doon pinalaglag ang bata at doon din ay makailang ulit muli siyang ginahasa.

--Ads--

Dahil sa pangyayari ay natakot na itong pumasok.
Sa kasagutan ng Pangulo ay magpapadala ito ng kapulisan para maprotektahan siya at maging ang kaniyang kapatid para matiyak na ito ay makakapag-aral.

Pinuri ng pangulo ang katapangan ng bata dahil as pagsumbong sa kaniiya kung saan tiniyak naman ng pangulo na papanagutin ang mga sangkot sa krimen.