Magpapakalat ang Philippine National Police (PNP) ng mga tauhan nila sa mga palengke para matiyak na walang anumang hindi otorisadong pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.
Ayon kay PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. na makakasama nila ang Department of Trade and Industry (DTI) at mga local government units.
Inatasan niya ang mga kapulisan sa bansa na bantayan at tiyakin na walang mga negosyante ang magsasamantala sa krisis.
--Ads--
Nanawagan ito sa mga negosyante na dapat ay huwag magsamantala sa kasalukuyang kinakaharap na hamon ng bansa para lamang sa kanilang personal na interest.










