BOMBO DAGUPAN – Hindi pa rin natatapos ang pasaringan sa pagitan ng magkasintahang Carlos Yulo at Chloe San Jose at ng pamilya ng two-time Paris Olympics gold medalist.

Kasalukuyang nagbabaksyon sa Paris, France sina Carlos at Chloe.

Bumalik ng Paris si Carlos para suportahan ang mga atletang lumalaban sa Paris Paralympics 2024.

--Ads--

Sa Instagram Story ni Chloe noong September 9, 2024, ibinahagi niya ang “shopping spree” nila ng boyfriend sa Paris.

Makikita rito ang larawan nina Carlos at Chloe na nasa loob ng sasakyan, at napaliligiran sila ng shopping bags.

Napansin ng ibang netizens ang caption ni Chloe sa kanyang post dahil pamilyar ito sa sumusubaybay sa real-life family drama ni Carlos.

Makikita umano sa post at caption ni Chloe, na patama ito sa ina ni Carlos na si Angelica Yulo.

Ito ay bunsod ng akusasyong ginamit niya ang pera ni Carlos nang walang pahintulot ng anak.

Komento ng ilang netizen na matagal-tagal pa bago humupa ang alitan sa pagitan nila sa kabila ng pahayag ng magkabilang kampo na umaasa silang maayos na ang isyu nila.