Dagupan City – Sa pangunguna ni PCOL Rollyfer J. Capoquian, Provincial Director ng Pangasinan PPO, kasama ang kanyang mga tauhan at ang Dagupan City Police Station sa pamumuno ni PLTCOL Brendon B. Palisoc, isinagawa ang masusing inspeksyon sa Bus Terminal sa Barangay Mayombo, Dagupan City.
Bahagi ito ng paghahanda ng kapulisan para sa Semana Santa sa ilalim ng Ligtas SUMVAC 2025. Inaasahan kasing dadagsa ang mga pasahero ngayong Holy Week, kaya’t puspusan ang ginagawang pagbabantay sa mga pampublikong terminal.
Sinuri ng mga awtoridad ang mga bus, pasilidad ng terminal, at kahandaan ng mga driver upang matiyak ang kaligtasan ng bawat pasahero. Tiniyak din na maayos ang seguridad sa lugar.
Nagpaalala ang pulisya sa mga driver at kawani ng terminal na maging alerto, magsagawa ng regular na vehicle inspection, at sundin ang mga patakaran sa ligtas na pagmamaneho—para sa isang ligtas at mapayapang Semana Santa.