Dagupan City – Malalaking proyektong pang-imprastruktura at turismo ang inilatag sa lalawigan ng Pangasinan.

Sa naging mensahe ni Pangasinan Governor Ramon “Monmon” Guico III kabilang sa pangunahing proyekto ang pagpapatayo ng 11-palapag na Capitol Plaza building na magsisilbing one-stop shop para sa mga tanggapan ng national at panlalawigang ahensya upang mas mapadali ang serbisyo publiko.

Nakaplanong lagyan din ito ng strip walls at isang Veterans Museum.

--Ads--

Habang isinusulong din ang pagtatayo ng 27-hole golf course sa Barangay Estanza, Lingayen kasama ang kinatawan ng ikalawang distrito ng lalawigan.

Sa kasalukuyan, naglalobby na ang gobernador sa Department of Public Works and Highways (DPWH) upang mapabilis ang pagkumpleto ng lahat ng bypass roads sa probinsiya.

Dagdag pa nito na kapag natapos ang mga nabanggit na proyekto, inaasahang mababawasan na ang trapiko, at mas iikli ang oras ng biyahe ng mga turista at negosyante.

Target naman ng pamahalaang panlalawigan na matapos ang mga pangunahing proyekto sa loob ng dalawang taon.