Nananawagan ng tulong pinansyal ang pamilya ng beteranang aktres na si Odette Khan matapos itong ma-confine at manatiling bedridden sa National Kidney and Transplant Institute simula pa noong Pebrero 21.

Kasalukuyang ginagamot si Khan dahil sa pneumonia, emphysema at edema.

Noong Lunes, kinailangan ding tanggalan ng fluid ang kaniyang kanang baga bilang bahagi ng patuloy na medikal na proseso. Patuloy pa rin umano ang kaniyang gamutan at masusing pagbabantay ng mga doktor.

--Ads--

Sa pinakahuling tala nitong Pebrero 27, umabot na sa higit ₱211,000 ang hospital bill ni Khan.

Hindi pa kabilang dito ang professional fees ng mga doktor, bayad sa mga reader, caregiving expenses, at iba pang gastusin sa gamot.

Dahil dito, aminado ang pamilya na unti-unti nang nauubos ang kanilang pondo para sa pagpapagamot ng aktreS.